COVID-19 cases sa Central Visayas halos 16,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2020 - 09:50 AM

Umabot na sa halos 16,000 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ayon sa datos ng DOH Central Visayas for Health Development, nakapagtala ng 271 na dagdag na kaso kahapon kaya umabot na sa 15,934 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 7,088 ang aktibong kaso habang umabot naman na sa 8,057 ang total recoveries.

Sa magdamag ay nakapagtala ng 444 na dagdag sa bilang ng mga gumaling.

Umabot naman na sa 781 ang bilang ng mga nasawi sa Central Visayas dahil sa COVID-19.

Sa Cebu City umabot na sa 8,898 ang total confirmed cases.

Narito naman ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lugar sa rehiyon:

Mandaue City – 1,898
Lapu-Lapu City – 1,764
Cebu – 1,675
* Talisay City – 747
* Minglanilla – 385
* Consolacion – 378
Negros Oriental – 102
Bohol – 87
Siquijor – 0

TAGS: Central Visayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Central Visayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.