Talibon, Bohol niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Bohol.

Ayon sa information bulletin no. 2 ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 1 kilometer northeast ng bayan ng Jetafe, alas-9:08 umaga ng Huwebes (July 30).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 2 sa Jetafe at Buenavista, Bohol.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Unang naitala ang pagyanig sa 4 kilometers southwest ng bayan ng Talibon at may lalim na 23 kilometers.

Read more...