Alkalde sa Piat, Cagayan muling nagpositibo sa COVID-19

Muling nagpositibo sa COVID-19 si Piat, Cagayan Mayor Carmelo Villacete.

Ito ang lumabas sa resulta ng swab test ng alkalde noong Miyerkules, Hulyo-29.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, si Villacete ay walang history of travel subalit nagkaroon muli ng sintomas ng COVID-19 kung saan ay nagkaroon ito ng ubo at sore throat noong July 24.

Isinailalim ito sa swab test noong Lunes, at batay sa resulta ng Molecular Laboratory ay positive ito sa virus.

Posibleng nagkaroon muli ng reinfection ang nasabing alkalde.

Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Villacete noong April 2.

Na-confine noon ang alkalde noon sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC at nag-negatibo ito sa 2nd swab test noong April 4.

 

 

 

 

Read more...