Mahigit 38,000 na manok kinatay sa isang farm sa Pampanga dahil sa Bird Flu

July 30, 2020 - 08:53 AM

Mayroong kaso ng bird flu sa isang poultry farm sa San Luis, Pampanga.

Kinumpirma ito ng Department of Agriculture (DA) kasabay ng pagtitiyak na agad nakapagpatupad ng disease control measures sa lugar.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, agad bumuo ng composite team na kinabibilangan ng mga veterinarian at animal health officer mula sa Bureau of Animal Industry, DA-Regional Field Office-3 at Provincial Veterinarian Office ng Pampanga at San Luis LGU.

Sa ulat ni BAI Director Ronnie Domingo kay Dar, agad kinatay ang 38,701 na mga manok upang maiwasan na ang paglaganap pa ng sakit.

Ang lahat ng miyembro ng team na nagpapatupadng control measures ay masusing binabantayan ang kondisyon ng mga tauhan ng health office ng San Luis Municipal Government.

Sa inisyal na imbestigasyon, may mga presensya ng migratory birds sa San Luis nitong nagdaang mga araw na posibleng pinagmulan ng bird flu.

 

 

TAGS: DA, farm, Inquirer News, News in the Philippines, Pampanga, Radyo Inquirer, san luis, Tagalog breaking news, tagalog news website, DA, farm, Inquirer News, News in the Philippines, Pampanga, Radyo Inquirer, san luis, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.