Heavy rainfall warning nakataas sa Pampanga, mga bayan sa Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2020 - 08:40 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Pampanga at ilang mga lugar sa Zambales.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ngayong umaga ng Huwebes (July 30) yellow warning ang umiiral sa lalawigan ng Pampanga at sa mga bayan ng San Antonio, Olongapo, Subic, Castillejos, San Narciso at San Marcelino sa Zambales.

Ito ay dahil sa nararanasang malakas na buhos at tuluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Ang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at Habagat.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides ang malakas na ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning, zambales, habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.