Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, counterpart nito na si Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein tuloy ang sagutan sa Twitter

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2020 - 08:23 AM

Tumitindi ang tensyon sa pagitan nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., at counter part nito sa Malaysia na si Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein.

Matapos sabihin ni Hussein na ipatatawag sa Ministry Office para pagpaliwanagin ang ambassador ng Pilipinas ay may sagot muli sa kaniyang Tweet si Locsin.

Sa kaniyang panibagong Tweet sinabi ni Locsin na “historical” at “factual” ang kaniyang pahayag na ang Sabah ay hindi pag-aari ng Malaysia.

Ibinunyag pa ni Locsin na sinubukan noon ng Malaysia na harangin ang Arbitral Awards sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea o South China Sea.

Base aniya ito sa ulat ng mga diplomat ng Pilipinas at German lawyer ng bansa.

Magugunitang sinabi ni Hussein na ipatatawag nito at pagpapaliwanagin ang ambassador ng Pilipinas matapos sabihin ni Locsin na ang Sabah ay hindi sa Malaysia.

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teddy boy Locsin, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teddy boy Locsin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.