Warehouse sa Tondo, Maynila tinupok ng apoy

Nasunog ang isang warehouse sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 10:46 pa ng gabi ng Miyerkules (July 29).

Ang nasunog na warehouse ay nasa bahagi ng Bambang Street kanto ng Narra Street sa Tondo ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Patuloy pa ang pag-apula sa apoy at hanggang ngayong umaga ay hindi pa ibinababa ng Manila Fire Bureau ang alarma ng sunog.

 

 

 

Read more...