Gutalac, Zamboanga del Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers northwest ng bayan ng Gutalac, alas-3:38 madaling araw ng Huwebes (July 30).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...