Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, higit 1,200 na
Nagpositibo ang 50 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 28, umakyat na sa 1,208 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
540 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nakasailalim ang karamihan sa mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Nadagdagan naman ng 22 ang mga gumaling sa rehiyon.
Dahil dito, nasa 651 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Samantala, 17 na ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.