635 LSI, nakauwi na ng Cagayan de Oro

Photo grab from PCG Facebook video

Nakauwi na ng Cagayan de Oro ang nasa 635 na locally stranded individuals (LSIs), Huwebes ng hapon (July 29).

Inasiste ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga LSI na sumakay sa isang special passenger vessel.

Isinakay sa PCG buses ang mga LSI mula sa Rizal Memorial Stadium para makasakay sa barko papuntang Cagayan de Oro.

Nakabiyahe ang mga LSI matapos lumabas na negatibo sa COVID-19.

Read more...