227 kaso pa ng COVID-19, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa nang 227 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, karamihan sa mga bagong kaso ay magkakamag-anak o magkakatrabaho.

Sa huling datos hanggang 8:30, Miyerkules ng gabi (July 29), umakyat na sa kabuuang 1,850 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 938 ang aktibong kaso.

38 naman ang gumaling pa kaya nasa 821 na ang total recoveries sa lungsod habang 91 ang pumanaw.

Read more...