Sen. Drilon: Naghihingalo na ang ating mga ospital!
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon malapit nang umabot sa “danger zone” ang mga ospital sa Metro Manila dahil sa dami ng pasyente ng COVID-19.
Banggit nito, 82.2 porsyento ng COVID-19 bed capacity sa mga ospital sa Metro Manila ang okupado na dahil sa dagsa ng mga pasyente, samantalang nasa ‘warning zone’ na sa mga ospital sa Central Luzon at Calabarzon.
“It’s a cause for alarm. Hospital beds are running out. Patients were dying while waiting for hospital beds. Patients are already spreading the virus while waiting for their test results,” ayon sa senador.
Diin nito, ang mga isyung ito ang hinanap ng milyun-milyong Filipino sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July 27.
Aniya, bago maging huli ang lahat, kailangan ay maglatag na ng komprehensibong plano ang gobyerno kung paano haharapin ang pandemiya.
“We need a concrete plan. Otherwise, we will not be able to move forward in this fight against COVID-19 pandemic. While the rest of the world are already on the road to recovery, the Philippines would always be back to square one without a comprehensive plan,” giit pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.