Napaulat na nawawala ang aircraft na may sakay na 11 pasahero sa bulubunduking bahagi ng western Chilkhaya region.
Ayon kay Padamlal Lamichane, tagapagsalita ng Nepal government, isa na ang kumpirmadong nasawi sa insidente.
Ang eroplano na pag-aari ng Kasthamandap Airlines ay nag-crash habang sinusubukang mag-emergency land malapit sa tuktok ng bundok matapos makaranas ng technical difficulties.
Single engine na 9N-AJB ang eroplano at umalis sa Nepalgunj patungo sa Jumla alas 12:16 oras doon.
Ang lugar na pinagbagsakan ng eroplano ay apat na oras kailangang lakarin mula sa pinakamalapit na major town.
Agad na nagtungo doon ang rescue teams ng sakay helicopters.
Magugunitang noong Miyerkules, isang eroplano din ang nag-crash sa Nepal dahil sa sama ng panahon na ikinasawi ng lahat ng 23 na sakay nito kabilang ang dalawang dayuhan mula sa China at Kuwait.