Ayon kay Salceda, kung walang ikatlong bugso ng SAP ay maaaring lumobo sa 4.2 million households ang magugutom at mawawalan ng hanapbuhay.
Paliwanag nito, sa katapusan ng Hulyo ay inaasahang darami pa ang mawawalan ng trabaho na aabot sa 3.6 milyon o may katumbas na 1.5 milyong sambahayan.
Bago aniya matapos ang third quarter ng taon o sa katapusan ng Setyembre ay madaragdagan pa ang mga manggagawa na walang trabaho ng 1.7 million workers o katumbas ng 0.9 million households.
Sa panukala ni Salceda, ang pagkakaroon ng SAP 3 sa ilalim ng ikatlong stimulus package ay isasama naman sa 2021 national budget.
Bukas naman aniya ang Ehekutibo sa panukalang ikatlong economic stimulus na aabot sa P280 billion na target ipatupad sa huling bahagi ng taon.