PDRs na inisyu sa dayuhan ng lahat ng major broadcasting company, ipinasusumite sa Kamara
Nais silipin ng Kamara ang mga Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu sa mga dayuhan ng iba’t ibang broadcasting companies.
Sa inihaing House Resolution No 984, nais ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago na isumite lahat ng nga major broadcasting companies sa bansa ng kanilang mga kopya ng kanilang PDRs na inisyu sa non-Filipino citizens.
Layunin ng resolusyon na mabatid ang legalidad ng mga ito.
Tinukoy sa resolusyon ang sinasabing paglabag ng ABS-CBN Corp. sa 100% Filipino-ownership sa media kasunod ng pagtalakay sa isyu ng pagbebenta ng giant network ng PDRs sa mga dayuhan na sinasabing naging daan para makapagmay-ari ang mga ito sa ABS-CBN.
Nakasaad sa panukala na imbestigahan na rin ang PDRs ng ibang media companies para na rin sa interes ng pagkakapantay-pantay at pagiging patas sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.