Mga Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 9,392
Nadagdagan pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 29, umakyat na sa 9,392 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 70 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,265 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,461 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nasa 666 naman ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,690 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,103 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 705 naman ang kaso sa Americas at 894 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.