Mag-asawang negosyante timbog sa kasong estafa na isinampa ng bangko

July 29, 2020 - 11:07 AM

Kinumpirma ng Pulisya ang pagkakaaresto sa mag-asawang sangkot sa reklamong Estafa at paglabag sa Section 55(2) ng General Banking Law na isinampa ng PVB sa Branch 141 ng Makati City Regional Trial Court.

Batay sa impormasyon, nadakip ng PNP Station 2 ng Pasig City Police Office ang mag-asawang Vincent at Flordeliza Licup noong ika-11 ng Hunyo 2020.

Nabatid na ang mag-asawang Licup ay siyang tagapamahala ng kumpanyang Gadgets in style.

Kaagad namang iprenoseso ng PNP ang mag-asawang Licup sa pamamagitan ng pagkuha sa kanila ng mugshot.

Batay pa sa impormasyon, kaagad na nakapaghain ng piyansa ang mag-asawa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

 

TAGS: General Banking Law, Philippine Veterans Bank, PVB, General Banking Law, Philippine Veterans Bank, PVB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.