P3.4-M halaga ng shabu, nasabat sa Negros Oriental; 2 suspek timbog

Mahigit-kumulang kalahating kilo ng shabu ang nasamsam sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Emforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Negros Oriental, Martes ng gabi (July 28).

Ayon sa PDEA Central Visayas (PDEA RO7), ikinasa ang operasyon sa Purok 3 sa bahagi ng Barangay Boloc-Boloc, Sibulan bandang 7:50 ng gabi.

Naaresto sa operasyon ang suspek na si Engelbert Estrella, 37-anyos.

Nakuha kay Estrella ang 14 pakete ng hinihinalang shabu na may estimated market value na P68,000, isang coin purse, at ginamit na buy-bust money.

Samantala bandang 10:24 ng gabi, isa pang buy-bust operation ang ikinasa sa bahagi ng Barangay Cadawinonan, Dumaguete City.

Naaresto rito ang suspek na si Jimmy Tanilon, 27-anyos.

Nakumpiska ng mga otoridad ang limang pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

Nakuha rin ang isang digital weighing scale, sling bag, at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

Read more...