78 Pinoy sa South Korea nagpositibo sa COVID-19

CREDIT: Bram Janssens

Aabot sa 78 na Filipino sa South Korea ang nag-positibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Charges D’ Affaires in South Korea Christian de Jesus na ang naturang datos ay galing sa local health authorities ng South Korea at sa Filipino community.

Sa naturang bilang, sinabi ni De Jesus na 34 na ang gumaling at na-discharge na sa ospital.

Aabot naman sa 44 pa ang ginagamot ngayon.

Ayon kay De Jesus, mild cases lang naman ang kaso ng mg Filipino na nag-positibo sa COVID-19.

 

 

 

 

Read more...