Pagbubukas ng mga gym, drive-in cinemas, tutorial centers sa GCQ areas pinayagan na ng IATF
Papayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng Testing & health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic establishments, drive-in cinemas sa mga lugar na nasa General Community Quarantine simula sa August 1.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan ng IATF matapos ang pagpupulong kagabi.
Kabilang sa papayagan na ang tutorial centers, review centers, gyms, fitness centers and sport facilities, internet cafes, mga establsiyemento na nag-aalok ng personal grooming at aesthetic services at pet grooming.
“All of these recategorized business activities shall gradually resume operations at 30% operational capacity starting August 1,” pahayag ni Roque.
Bumabalangkas na ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) para sa mandatory health protocols.
Bubuksan na rin sa August 1 ang mga establsiyemento na nag aalok ng full body massage; tattoo and body piercing; live events; entertainment industries; libraries, archives, museums and cultural centers; tourist destinations; language, driving, dance/acting/voice schools.
Bawal pa rin ang sabong, beerhouse at iba pang establisyemento na nag aalok ng mga alak at kid amusement industries sa mga lugar na nasa ilalim ng anumang uri ng quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.