Kapalaran ng petisyon para maisapubliko ang health condition ni Pangulong Duterte, nasa kamay na ng SC ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 11:34 AM

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Korte Supreme ang pagpapasya sa inihaing motion for reconsideration ni Atty. Dino de Leon na humihiling na isapubliko ang tunay na lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang SC ang magpasya sa naturang usapin.

“That’s for the Court to decide,” pahayag ni Roque.

Hiniling ni de Leon noong Abril sa Office of the President at ni Executive Secretary Salvador Medialdea na isapubliko ang lagay ng kalusugan ng Pangulo pero hindi ito pinagbigyan ng Malakanyang.

Nagpadala din ng sulat si de Leon kay Roque noong July 16 pero tugon ng kalihim, nasa 88 percent na maganda ang lagay ng pangulo.

 

 

TAGS: health condition, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, health condition, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.