Titulo ng lupa ng ABS-CBN pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang titulo ng lupa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Ayon kay Marcoleta, sa ginawang pagdinig noong sa prangkisa ng ABS-CBN ang naipakita lamang ng broadcast network ay ang machine copy ng Owner’s Duplicate Certificate of Title.

Hiniling aniya nila na magpakita ng certified electronic copy ang network dahil ayon kay Marcoleta “poor photocopy” lamang ang nai-present ng kumpanya.

Sa ginawa anyang verification sa Transfer Certificate of Title ng Lopez-led network lumalabas na ang titulo ay para sa ibang property.

Lumalabas anya na ang lupa kung nasaan ang headquarters ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City na may 44,027 ay nagmula sa titulo ng lupa na mayroon lamang 42 square meters at matatagpuan sa Barangay Nagkaisang Nayon.

 

 

 

Read more...