Metro Manila mga kalapit na lalawigan patuloy pa ring makararanas ng pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 11:11 AM

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna Rizal, Quezon at Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

TAGS: bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Laguna Rizal, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, rainfall advisory\], Tarlac, zambales, bataan, Batangas, Bulacan, cavite, Laguna Rizal, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, rainfall advisory\], Tarlac, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.