Kris Aquino, tumanggi sa alok na makasayaw siya ni Madonna sa awiting “Unapologetic Bitch”

February 26, 2016 - 04:50 PM

From Kris Aquino's IG
From Kris Aquino’s IG

Tinanggihan ni TV host at presidential sister Kris Aquino ang alok ng mga organizers ng concert ni Madonna na makasayaw siya ng singer sa stage sap ag-awit nito ng kantang “Unapologetic Bitch”.

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Aquino na inimbita siya ng mga producer ng concert ni Madonna para umakyat sa stage at makisayaw sa singer.

Pero hindi ito nangyari dahil ayon kay Kris, natakot siya dahil alam niyang mapapahiya lang siya sa stage kapag sumayaw siya.

Paliwanag ng TV host, hindi siya marunong sumayaw at parehong kaliwa ang kaniyang paa.

Bagaman gustong manood, hindi na lang din nagtungo sa concert si Kris. “I so wanted to watch pero nahiya ako — I’m not fun, I can’t dance. And the gracious invitation from her producers to invite me up on stage to be her b*tch for the night scared me — because I knew mapapahiya lang ako for having no beat, no cool vibe and two left feet,” ayon kay Kris.

Pinasalamatan naman ni Kris si Madonna sa pagbibigay pugay sa mga Filipino sa ikalawang bahagi ng concert kagabi na natapat sa araw ng ng paggunita ng bansa sa anibersaryo ng Edsa People Power.

Ang pambihirang pagkakataon na makasayaw si Madonna sa stage ay naranasan ng isa sa mga fan na si Shahani “Super Starlet” Gania.

TAGS: Kris Aquino declined to dance with Madonna on stage, Kris Aquino declined to dance with Madonna on stage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.