Main Bldg. ng BI sa Maynila sarado hanggang Huwebes, July 30

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 10:03 AM

Sarado sa publiko hanggang sa Huwebes, July 30 ang main building ng Bureau of Immigration sa Maynila.

Ito ay para mabigyang-daan ang pagsasailalim sa rapid antibody test ng lahat ng empleyado ng BI na nakatalaga sa main building.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, noong Lunes at Martes umabot pa lang sa kalahati ng nasa 700 empleyado ng BI main office ang naisailalim sa rapid test.

Humiling din ang General Services Section ng BI na mabigyan sila ng sapat na panahon pa upang makumpleto ang disinfection at sanitation sa apat na palapag na gusali.

Maari pa rin namang makipag-ugnayan ang publiko sa satellite at extension offices ng BI sa Metro Manila.

Matatagpuan ito sa SM Aura mall at sa PEZA building sa Taguig City; SM North mall sa Quezon City; at BI building in Makati City.

 

 

TAGS: BI Main Building, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, General Services Section, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PEZA building, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI Main Building, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, General Services Section, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PEZA building, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.