outbrain

Dating mayor ng Flora, Apayao nasawi sa pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 09:33 AM

Patay ang isang dating alkalde sa bayan ng Flora sa lalawigan ng Apayao makaraang pagbabarilin.

Ayon sa ulat ng Cagayan Public Indfrmation Office, kinilala ng Flora PNP ang biktima na si dating Mayor Richard De San Jose.

Batay sa inisyal na ulat, nakikipag-inuman ang dating alkalde sa mga kaibigan nito sa loob ng isang restaurant ng biglang may bumaril sa biktima.

Ayon sa ilang nakasaksi, dalawang lalakeng nakasuot ng berdeng camouflage ang lumapit kay De San Jose at saka ito binaril.

Nagtamo ng tama ng mga bala mula sa hindi pa natutukoy na kalibre ng baril ang likuran ng biktima na tumagos sa katawan nito.

Isinugod sa Flora District Hospital si De San Jose subalit binawian na ito ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP Flora sa pamamaslang.

 

 

TAGS: ambush, Apayao, Flora, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Richard De San jose, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Apayao, Flora, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Richard De San jose, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.