200 bagong contact tracers sa Pasig City isinailalim sa training
Mayroong mahigit 200 bagong contact tracers ang Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto isinailalim na kahapon sa pagsasanay ang mga bagong contact tracers.
Sinabi ni Sotto na nang magsimula ang pag-iral ng general community quarantine ay tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya kailangang mag-hire ng dagdag na contact tracers.
“Kailangang kailangan natin ang karagdagang contact tracers na to. Nung ECQ kinakaya pa ng masisipag nating CESU staff, kaso ngayong medyo tumaas ang bilang ng mga kaso pagka-GCQ, overworked na talaga sila. Kaya kailangan nila ng tulong upang mapaganda ang responde at pag monitor natin ng mga kaso,” ayon kay Sotto.
Ang mga bagong contact tracer ay magtutungo sa mga barangay para magsagawa ng komprehensibong survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.