Halaga ng ilalabas na bakuna ng Moderna kontra COVID-19 aabot sa hanggang P3,000

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 07:17 AM

Nasa pagitan ng $50 hanggang $60 o katumbas ng P2,500 hanggang P3,000 ang magiging halaga ng bakuna kontra COVID-19 na ilalabas ng kumpanyang Moderna.

Ang nasabing halaga ay para sa bawat course. Ibig sabihin, sa bawat dose ng bakuna ay nasa $25 hanggang $30 ang halaga.

Ayon sa ulat ng Financial Times, ang nasabing halaga ay aplikable sa US at iba pang bansa na mataas ang income.

Sa ngayon nasa proseso na ng pakikipag-usap ang Moderna sa mga pamahalaan ng mga bansa para sa suplay ng mRNA-1273.

Ang Pfizer naman at German partner nito na BioNTech ay nasa proseso na ng pakikipag-usap sa US.

Ang US ay nag-order na ng $2 Billion na halaga ng bakuna sa Pfizer.

TAGS: COVID-19, moderna, vaccine, COVID-19, moderna, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.