Mga babaeng apektado ng Zika, pwedeng magpa-breastfeed ayon sa WHO

Zika virusMaaring magpatuloy sa pagpapasuso ang mga ina na apektado ng sakit na Zika virus.

Ayon sa World Health Organization (WHO) sa ngayon wala pang ebidensya na delikadong magpa-breastfeed ang mga nanay kung sila ay mayroong Zika.

Ang abiso ay nakasaad sa inilabas na interim recommendations ng WHO sa mga bansang apektado ng outbreak.

“In light of available evidence, the benefits of breastfeeding for the infant and mother outweigh any potential risk of Zika virus transmission through breast milk.” Ayon sa WHO.

Bagaman mayroon nang dalawang kaso kung saan na-detect ang Zika virus sa breast milk ng dalawang ina na tinamaan ng sakit, sinabi ng WHO na wala pang documented reports na ang Zika virus ay naisasalin sa pamamagitan ng breastfeeding.

Sa susunod na buwan, magsasagawa ng systematic review ang WHO para i-update ang rekomendasyon.

Sa ngayon 28 bansa na ang nakapagtala ng kaso ng Zika sa Amerika at Caribbean kung saan 1.5 million ang naitala sa Brazil.

Read more...