Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.44 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (July 29) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 181.90 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.21 meters ngayong umaga mababa sa antas nito kahapon na 99.37 habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan na nasa 78.26 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 78.17 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan ang tubig ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat dams.

Read more...