Pagtitipon ng higit sa dalawang tao bawal na sa Hong Kong mula ngayong araw
By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 06:19 AM
Simula ngayong araw, July 29 bawal na sa Hong Kong ang pagtitipon ng higit sa dalawang tao sa mga pambulikong lugar.
Paalala ito ng Consulate General of the Philippines sa mga Pinoy sa Hong Kong.
Nakasaad din sa abiso na bawal din ang dine-in sa mga restaurant at iba pang kainan.
Magiging mahigpit na rin ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask sa public places at sa mga transportasyon.
Ang sinumang mahuhuling lumabag ay maaring mapatawan ng multa na hanggang HKD 5,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.