Dating Makati Mayor Junjun Binay, nag-piyansa sa Sandiganbayan

By Jan Escosio February 26, 2016 - 03:24 PM

mayor junjun binayNaglagak ng piyansa si dating Makati City Mayor Junjun Binay sa Sandiganbayan sa mga kinakaharap na kaso kaugnay sa konstruksyon Makati Car Park building.

Kasama ang kanyang mga abogado nagtungo si Binay sa 3rd division ng anti-graft court para ilagak ng kabuuang halagang P204,000 napiyansa sa kinahaharap na dalawang bilang ng kasong graft at anim na bilang ng kasong falsification of public documents.

Hindi naman na kinailangang sumailalim sa mugshot taking si Binay dahil may dala na itong ID pictures nang dumating sa Sandiganbayan pero kinuhanan siya ng finger prints o sumailalim sa tinatawag na proseso ng pag-piano.

Ang mga kaso ay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng nasabing parking building sa halagang P2.2 billion.

Naunang nakitaan ng Ombudsman prosecutors ng probable cause ang kaso laban sa nakababatang Binay at 22 iba pang mga dating opisyal ng pamahalaang panglungsod at ang mga contractors.

Ayon sa Ombudsman, nagkaroon ng sabwatan ang mga akusado para mapunta ang kontrata sa Hillmark Constriction Corp. na pag-aari ni Efren Canlas.

TAGS: Junjun Binay posts bail at sandiganbayan, Junjun Binay posts bail at sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.