Ang LPA ay huling namataan sa 115 kilometers east ng Daet, Camarines Sur.
Ayon sa PAGASA dahil sa nasabing LPA ang Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Aurora at Quezon ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas din ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa buong Mindanao.
Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA pero sa mga susunod na oras ay patuloy itong lalapit sa kalupaan.
MOST READ
LATEST STORIES