LPA na binabantayan ng PAGASA nasa Daet, CamSur; Metro Manila at malaking bahagi ng bansa uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 05:49 AM

Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa 115 kilometers east ng Daet, Camarines Sur.

Ayon sa PAGASA dahil sa nasabing LPA ang Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Aurora at Quezon ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas din ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa buong Mindanao.

Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA pero sa mga susunod na oras ay patuloy itong lalapit sa kalupaan.

 

 

 

TAGS: heavy rainfall warnings, low pressure area, Luzon, Pagasa, Visayas, heavy rainfall warnings, low pressure area, Luzon, Pagasa, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.