Orange warning itinaas ng PAGASA sa Palawan at Occidental Mindoro

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2020 - 05:35 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Palawan at Occidental Mindoro.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA nakararanas ng malakas at patuloy na pag-ulan ang dalawang lalawigan dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Batay sa rainfall warning ng PAGASA alas 4:51 ng madaling araw ngayong Miyerkules, July 29 orange warning na ang nakataas sa Palawan at Occidental Mindoro.

Babala ng PAGASA ang mga residente sa mababbang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Maari ding magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

TAGS: Occidental Mindoro, orange rainfall warning, Pagasa, Palawan, weather, yellow warning level, Occidental Mindoro, orange rainfall warning, Pagasa, Palawan, weather, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.