COVID-19 cases sa Muntinlupa City, umabot na sa 1,286

Nasa 1,286 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 8:30, Martes ng gabi (July 28), sa nasabing bilang ay 643 ang aktibong kaso.

1,009 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 676 ang suspected cases.

Samantala, 570 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 73 naman ang nasawi.

Read more...