Inosenteng mahirap, delikado sa parusang kamatayan – Sen. Poe

By Jan Escosio July 28, 2020 - 09:01 PM

Kapag ibinalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan, delikado ang mga mahihirap na maipagtanggol ang kanilang sarili sa korte.

Ito ang sabi ni Sen. Grace Poe sa katuwiran na dahil sa kakapusan ng pera, mahihirapan silang depensahan ang sarili at mapatunayan ang kanilang pagiging inosente.

Kailangan aniya ang pag-reporma sa sistema ng hustisya sa bansa.

Diin pa ni Poe, marami nang nagawa para protektahan at iligtas sa kamatayan ang marami sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We must also protect the lives of the defenseless and disadvantaged from the peril of injustice,” reaksyon pa ni Poe sa gusto ni Pangulong Duterte na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

TAGS: Death Penalty, Inquirer News, parusang kamatayan. Sen. Grace Poe, Radyo Inquirer news, Death Penalty, Inquirer News, parusang kamatayan. Sen. Grace Poe, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.