Sa ngayon ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Philippine Army Western Mindanao Command, nasa 42 ang napatay na nila sa panig ng mga kalaban.
Pero ayon kay Tan, apat na katawan pa lamang ang kanilang na-recover.
Ang grupo ng mga rebelde ay pinamumunuan umano ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute, na sinasabing may kaugnayan sa Southeast Asian regional terrorist network na Jemaah Islamiyah.
Ayon kay Tan, apat naman ang nasawi sa panig ng mga sundalo.
Kabilang sa mga narecover na sa nagpapatuloy na bakbayan ang dalawang M16 rifles, dalawang rocket propelled grenades at isang home-made cal. 50 rifle.
Nagsimula ang bakbakan noon pang gabi ng February 20, matapos atakihin ng mga rebelde ang detachment sa bayan ng Butig.