241 LSI, ligtas na nakauwi sa Bohol

Ligtas na naihatid ang 241 locally stranded individuals (LSIs) sa Tagbilaran Port, Bohol Martes ng hapon (July 28).

Lulan ang LSIs ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) at BRP Cabra (MRRV-4409).

Sinalubong naman ang mga LSI ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) na nanguna sa disembarkation at health protocols.

Matapos ang protocols, dinala ang LSI sa iba’t ibang local government unit (LGU) para sa karagdagang tulong para sa mandatory 14-day quarantine.

Read more...