Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 6,177 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (July 28).
Sa nasabing bilang, 6,102 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
6,077 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,474 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
3,309 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 294 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 4,544 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES