Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 6,130

By Mary Rose Cabrales July 28, 2020 - 08:46 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (July 28, 3:00 PM) nakapagtala ng 221 na bagong kaso kaya pumalo na sa 6,130 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,222
Laguna – 2,293
Batangas – 901
Rizal – 1,416
Quezon – 298

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 3,372.

Nasa 2,467 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng walong bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 979
Batangas – 384
Rizal – 573
Quezon – 198

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng dalawa kaya umabot na sa 291 ng bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 72
Batangas – 45
Rizal – 105
Quezon – 15

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in CALABARZON, COVID-19 deaths in Calabarzon, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Calabarzon, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.