LPA, malabo pang maging bagyo sa susunod na isa hanggang dalawang araw – PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Robb Gile na huling namataan ang LPA sa layong 65 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes bandang 3:00 ng hapon.

Mababa pa rin aniya ang tsansa na lumakas ang LPA at maging isang bagyo sa susunod na isa hanggang dalawang araw.

Ngunit, sinabi ni Gile na patuloy na magdudulot ang LPA ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Halos buong Luzon aniya, lalo na sa Bicol region, ay nakakaranas na ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog bunsod ng LPA at trough nito.

Posible aniyang ang LPA ang mag-trigger na bumalik ang Hanging Habagat o Southwest Monsoon.

Read more...