Mga nahuling lockdown violator sa Navotas, umabot na sa 5,853

By Angellic Jordan July 28, 2020 - 07:16 PM

Halos 100 ang nahuli pang lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa gitna ng banta ng COVID-19 sa Navotas City.

Batay sa ulat ng Navotas City Police, 91 ang nahuli sa magdamag kung saan 87 ang adult habang apat ang menor de edad.

Dahil dito, umabot na sa 5,853 ang kabuuang bilang ng lockdown violators sa nasabing lungsod.

Sa nasabing bilang, 5,549 ang adult habang 304 ang menor de edad.

Paalala naman ng Navotas City government, “magsuot ng mask na natatakpan ang ilong at bibig, dumistansya ng 1-2 metro mula sa mga kasama, iwasang makipagsalu-salo o makipagkumpulan, maghugas ng mga kamay, wag hawakan ang mukha, at magdisinfect ng mga gamit tulad ng cellphone.”

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, lockdown violators in Navotas, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, lockdown violators in Navotas, Navotas City Police, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.