Selos, posibleng motibo ng Taiwanese sa pag-chop chop sa asawa

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2016 - 02:41 PM

crime-scene-300x200Inamin ng Taiwanese suspect na si Yuan Chang “Tony” Kuo na madalas silang nagkakaroon ng pagtatalo ng misis na si Rowena Kuo dahil sa pagseselos.

Ayon kay Makati City Police spokesperson Inspector Ramon Salazar Jr., inaalam din nila ang mga impormasyong sangkot si Kuo sa iba pang reklamo sa Taiwan.

Ang katawan ni Rowena ay natagpuang walang ulo, mga braso at binti sa loob ng kanilang bahay sa Pio Del Pilar sa Makati City noong Martes.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakita ang ulo ni Rowena na nakabalot ng plastic sa loob ng cabinet at ang braso nito sa poso negro.

Agad dinakip ng mga pulis ang Taiwanese surgeon na umaming noong Lunes ay nagkaroon sila ng pagtatalo ni Rowena.

Ayon sa mga anak ni Rowena, sinasaktan na noon pa ng kanilang stepfather ang kanilang Nanay.

Tiniyak naman ni Salazar sa pamilya ng biktima na malakas ang ebidensya laban kay Kuo.

TAGS: Chop-chop incident in Makati City, Chop-chop incident in Makati City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.