COVID-19 cases sa Baguio City, umabot na sa 100
Umabot na sa 100 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Baguio City.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, ito ay matapos makapagtala ng dalawa pang kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang mga bagong pasyente ay 59-anyos na babae mula sa P. Zamora at 57-anyos na babae mula sa Upper Q.M.
Sa 100 confirmed COVID-19 cases, 47 ang aktibo pa.
Nasa 51 naman ang total recoveries habang dalawa ang nasawi.
Noong araw ng Lunes, July 27, nagpatupad ang alkalde ng adjusted measures para mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng mga kaso na naaapektuhan ng pandemya.
Muli ring pinaalalahanan ni Magalong ang publiko na istriktong sundin ang minimum health standard such tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at proper hygiene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.