284 bus, magiging available para sa mga pasahero ng MRT-3 simula sa July 29

By Angellic Jordan July 28, 2020 - 04:44 PM

Madagdagan pa ang bilang ng mga bus sa ilalim ng EDSA Busway System simula sa Miyerkules, July 29.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay dahil ia-absorb na ng EDSA Busway System ang 90 bus units sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Dagdag ito sa 194 bus na kasalukuyang naka-deploy para sa EDSA Busway service na nagbibiyahe ng mga pasahero sa pagitan ng Monumento at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Dahil dito, aabot na sa 284 ang bus na magiging available sa mga pasahero ng MRT-3.

Layon nitong mas marami pang pasahero ng MRT-3 ang maserbisyuhan.

Mula sa fixed rate na P25, magiging P13 na lamang ang base fare para sa unang limang kilometro habang P2.2 naman ang madadagdag sa karagdagang kilometro.

Maaari namang mag-load at unload ng mga pasahero ang EDSA Busway service sa mga sumusunod na bus stops matapos sa MRT-3 stations:

NORTHBOUND:
Loading stations:
– Taft Avenue station
– Ayala station

Unloading stations:
– Ayala station
– Guadalupe station
– Ortigas station
– Quezon Avenue station
– North Avenue station

SOUTHBOUND:
Loading stations:
– North Avenue station
– Quezon Avenue station

Unloading stations:
– Ortigas station
– Guadalupe station
– Ayala station
– Taft Avenue station

Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng health at safety protocols tulad ng temperature checking, social distancing at pagsusuot ng face mask.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, MRT 3, MRT-3 Bus Augmentation Program, MRT-3 EDSA Busway System, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, MRT 3, MRT-3 Bus Augmentation Program, MRT-3 EDSA Busway System, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.