Mga Pinoy sa Hong Kong, pinaalalahanan na bawal na ang pagtitipon ng higit 2 tao sa pampublikong lugar
Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga Filipino ukol sa bagong ipatutupad na panuntunan sa nasabing bansa.
Sinabi ng konsulado na simula sa Miyerkules, July 29, bawal na ang pagtitipon ng mahigit dalawang tao sa mga pampublikong lugar.
Layon nitong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Maliban dito, bawal na rin muna ang dine-in sa mga restaurant at iba pang kainan.
Patuloy pa rin naman ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at transportasyon.
Sinumang lumabag sa mga panuntunan ay maaaring pagmultahin ng HKD 5,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.