Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Bohol

Arestado ang isang drug suspect sa buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Bohol Provincial Office ang operasyon sa bahagi ng K of C Drive, Poblacion II bandang 6:05 ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Sanny Bulabos, 34-anyos.

Nakumpiska ng mga otoridad kay Bulabos ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,000, ginamit na buy-bust money, isang .22-caliber pistol, 15 live ammunition, isang walang laman na cartridge case, at cellphone.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...