Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin
Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng National Capital Region at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:03 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Pampanga, Laguna, Bulacan, Rizal at Quezon.
Maaapektuhan din ang Las Piñas sa Metro Manila; Lian, Batangas; Morong at Bagac, Bataan; Pantabangan at Rizal sa Nueva Ecija.
Uulanin din ang Bacoor, Imus, General Trias, Tanza, Trece Martires, at Naic sa Cavite; Olongapo, Candelaria, Castillejos at San Marcelino sa Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.