Ayon sa pangulo, kukuha ang pamahalaan ng dagdag na 20,0000 na professionals sa susunod na taon.
Ito ay para madagdagan ang health workforce ng local government units lalo na ang mga malalayong lugar.
Sinabi pa ng pangulo na palalakasin din at dadagdagan pa ang pagpapagawa ng barangay health stations, rural health units at iba pang healthcare facilities.
“In 2021, we aim to increase access to healthcare services by continuously hiring and deploying more than 20,000 health professionals. This will augment health workforce in the LGUs, particularly in isolated and disadvantaged areas. We will implement projects to establish and improve Barangay Health Stations, Rural Health Units, and other healthcare facilities,” pahayag ng pangulo.